Sa kanya-kanyang pangarap na nakipaghabulan Dati tayo-tayo lang sa gabi-gabing taguan Magtampisaw sa tag-ulan, ang kaligayahan ambunan Kuntento na sa buhangin at sa sementong laruan Ano mang dumating na problema dedma Barya lang ang katapat ng tawang abot tenga Di ko namalayan tumakbo yung panahon Kung hindi pa'ko lilingon sa dating kita at lamesa Dati kong mundo palaruang malawak Sa piling ng bawat katutong kasabay kong mangarap Tawid din nangalab-paap, pati buwan makayakap Eto na ang panahon para gatong natin mag-alab, tara! Bakas ng kapalaran ko Tangi kong sandata. Samahan mo akong lumingon sa kahapon Saba'y natin hagkan ang pagsalubong ng alon Sa mga dati at ngayong nakasama (kahapon) Salamat ng isang ala-ala Ganun pa din ang mundo naging makulay lang siya para sa'kin Sa tulong ng kada berso kong inuumaga Ako pa din 'tong kayang makisama makitawa Magpakalango sa nakaraan nating ala-ala Madami mang padating na dapat pang yakapin d'yan Pagsubok sa piniling kapalaran, parte yan! Saludo sa mga tropa na palaging nand'yan Na kahit saan, para sa dagok makipasan Sa ngayong kami naman mangibabaw upang ibabawan Ay walang ayawan sa pinapantasyang katuparan Nakaraang pasanin pahirapang ilarawan Dating ingay ng tahanan naging boses ng lansangan! Bakas ng kapalaran ko Tangi kong sandata. Samahan mo akong lumingon sa kahapon Saba'y natin hagkan ng pagsalubong ng alon Sa mga dati at ngayong nakasama (kahapon) Salamat ng isang ala-ala Wag kang mangamba sa aking pag-alis Wag kang mangamba sa aking pag-alis Wag kang mangamba sa aking pag-alis Wag kang mangamba sa aking pag-alis Silang mga nagtiwala sa'kin nung wala pa ako Alam sa kayang babago ng parang kinabisado Sa kubeta't lababo hanggang sa TV at radyo Nabigyang kahulugan ang kada pagod at plano Ilang regalo itong awiting muna sa ngayon Ang mananatiling and'yan mapa wala ka't magkaroon Syang paalala na din kasama mo ako palagi Ano mang hinaing sa pagsubok mo'ko kahati Dati nakatingala lang tayo sa mga tala Wag mag-alangang abutin, sige ako bahala Maging halimbawa at gabay mo para maniwala Sa 'yong makakaya bilang kapatid mo kay Bathala Samahan mo akong lumingon sa kahapon Saba'y natin hagkan ang pagsalubong ng alon Samahan mo akong lumingon sa kahapon Saba'y natin hagkan ang pagsalubong ng alon Sa mga dati at ngayong nakasama (kahapon) Salamat ng isang ala-ala...